Kinampihan ng mga Arab diplomat ang Saudi Arabia laban sa Iran sa gitna ng tensyon ngayon sa dalawang bansa.
Matapos ang emergency meeting sa Egypt, kinondena ng Arab league ang umano’y probokasyon ng Iran.
Sa kabilang dako, inakusahan naman ng Iran ang Saudi Arabia na ginagamit lang ang kanilang tensyon upang hindi maresolba ang kaguluhan sa Syria na magli-limang taon na.
Samantala, mariin itong itinanggi ng Saudi Arabia.
Nabatid na Saudi Arabia at Iran ang sinusuportahan ng bawat isa sa Syrian conflict.
Suportado ng Iran ang rehimen ni Syrian President Bashar Al-assad habang kinakampihan naman ng Saudi Arabia ang oposisyon.
Matatandaang sumiklab ang tensyon sa pagitan ng Saudi Arabia at Iran matapos ang pagbitay ng Saudi Arabia sa Shi’ite cleric na si Nimr Al-Nimr.
By Avee Devierte