Lumabag sa International Humanitarian Law ang Saudi-led coalition laban sa mga rebelde sa Yemen nang dalawang beses nitong bombahin ang lamay para sa yumaong ama ng lider ng mga rebeldeng opisyal doon.
Laman ito ng report ng UN Panel of Experts sa UN Security Council.
Isandaan at apatnapu (140) katao ang nasawi samantalang mahigit pa sa 500 ang nasugatan sa pagbomba ng Saudi-led coalition sa community hall kung saan pinaglalamayan ang ama ng Houthi Interior Minister.
Ayon sa UN Panel, walang ginawang hakbang ang Saudi-led coalition para maiwasan ang civillian casualties sa ginawa nilang pag-atake.
Samantala, posible namang ituring na war crime kung mapapatunayang nakasakit o nakapatay ng medical personnel ang ikalawang airstrike.
Ang Saudi-led coalition ay binubuo ng Saudi Arabia, United Arab Emirates, Kuwait, Bahrain, Qatar, Sudan at Egypt.
By Len Aguirre