“Constitutionally fixed” at hindi maaaring iurong ang araw ng eleksyon.
Ito ang ipinaalala ni Senador Koko Pimentel, Chairman ng Joint Congressional Oversight Committee on the Automated Elections.
Sinabi ni Pimentel na maaaring i-reschedule ang araw ng halalan sa ilang lugar ngunit iyon ay kapag ang dahilan ay grabe at di-maiiwasang pangyayari.
Gayunpaman, hindi ang buong halalan sa bansa ang iuurong.
Ayon kay Pimentel, hindi maaaring panghimasukan ng Kongreso ang pagiging “constitutionally fixed” ng araw ng eleksyon.
By Avee Devierte