Ginugunita ngayong araw na ito ang ika 75 Araw ng Kagitingan o tinagurian ding Fall of Bataan.
Sa paggunita ng Bataan day ay binigyang pagkilala ang kabayanuhan ng mga Pilipinong sundalo na nakipag laban nuon sa mga sundalong Amerikano nuong World War 2 para depensahan ang Bataan, Corregidor at Bessang Pass.
Ayon kay Bataan Police Provincial Director Senior Supt Benjamin Silo kabilang sa mga dumalo sa mga aktibidad ngayong araw ang Ambassador ng Japan at Deputy Ambassador ng Amerika.
Nakiisa rin sa mga aktibidad ang mga miyembro ng United States Special Forces.
Bahagi ng aktibidad ang symbolic march mula sa kilometer zero sa bayan ng Mariveles patungong zigzag road sa Bataan, ilang bahagi rin ng Pampanga patungong Capas, Tarlac na may Isandaan at Apat naput Limang kilometro ang distansya.
Sinabi ni freeport area of Bataan Information Officer Carissa Caraig na ang nasabing distansya ang eksaktong distansya na nilakad ng libu libong Pinoy soldiers na nasawi dahil sa pagod at gutom.
By: Judith Larino