Sinabayan ng mga kilos protesta ang paggunita sa Araw ng Kagitingan ngayong araw, Abril 9.
Maagang nagtipon ang iba’t ibang militanteng grupo sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan o BAYAN sa harap ng konsulada ng China sa Makati City.
Sentro ng pagkilos ang usapin sa paglabag ng China sa soberenya ng Pilipinas.
Panawagan din ng mga raliyista ang pagpapatigil at pagkontra sa mga ginagawang aktibidad ng China sa mga teritoryong sakop ng exclusive economic zone ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Mga militanteng grupo, naglunsad ng kilos protesta sa harap ng Chinese Consulate Building sa Makati | via Aya Yupangco pic.twitter.com/POxrR8S8Gv
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) April 9, 2019
Gabriela Partylist Rep. @ArleneBrosas and GABRIELA Secretary General @JomsSalvador join today’s Day of Valor protest to the Chinese Embassy in Makati#AtinAngPinas#37GABRIELA pic.twitter.com/gs8K9BmujK
— #37 Gabriela Women’s Party (@GabrielaWomenPL) April 9, 2019
Una nang napa-ulat ang presensya ng daan-daang Chinese vessels sa bahagi ng Pag-asa Island maliban pa sa mga report na patuloy na harassment ng Chinese Coast Guard sa mga mangingisdang Pinoy sa lugar.
Samantala, naka-poste naman ang mga pulis sa paligid ng Chinese Consulate building kasabay ng pagkilos.
—-