Ginugunita na ngayong araw ang ika-124 na taong anibersaryo ng araw ng kalayaan sa Pilipinas.
Ngayong umaga, pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang komemorasyon sa Rizal Park.
May tema ang pagdiriwang na “Kalayaan 2022: pag-suong sa hamon ng panibagong bukas.”
Maliban sa simultaneous flag-raising event, magsasagawa rin ng wreath-laying sa ilang national historical sites ang National Historical Commission of the Philippines (NHCP).
Iba’t ibang aktibidad rin ang isasagawa ngayong araw ng NHCP tulad ng job fair na lalahukan ng ilang local at overseas employers.
May tema naman itong “Trabaho, Negosyo, Kabuhayan Fair” na maghahandog ng higit 90K trabaho sa mga Pilipino.
Isasagawa ang Job fair sa Metro Manila, La Union, Bulacan, Laguna, Mindoro, Bacolod, Cagayan De Oro, General Santos City, Tuguegarao, at Zamboanga City.