Walang pasok sa lahat ng antas at pasok sa trabaho sa mga lungsod ng Maynila at San Juan ngayong araw.
Ito’y dahil sa idineklarang special non-working holiday sa mga nabanggit na lugar bunsod ng pagdiriwang ng Araw ng Maynila kaalinsabay ng pista ni San Juan Bautista.
Dahil dito, sinuspinde rin ng Metro Manila Development Authority o MMDA ang pagpapatupad ng number coding sa lungsod ng Maynila.
Kaya’t asahan na ang pagsisikip ng daloy ng trapiko sa lugar at pinapayuhan ang mga daraan sa mga naturang lungsod na magbaon ng sobrang damit bilang pamalit dahil sa tradisyunal na basaan.
By Jaymark Dagala