Posible pang bumaba sa 2,000 ang arawang kaso ng COVID-19 sa bansa sa katapusan ng Nobyembre.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, bumaba na lamang sa 4,848 ang daily average ng mga kaso noong Oktubre 20 hanggang 26 mula sa dating 6,909 noong Oktubre 13 hanggang 19.
Aniya, huling naitala ang kaparehong bilang na higit apat na libo (4,848) noong Marso 12 hanggang 18 na may 0.52 reproduction number.
Base sa current trend, posible umanong bumaba sa dalawang liboang mga kaso sa katapusan ng Nobyembre. —sa panulat ni Airiam Sancho