Posibleng bumaba pa sa 500 ang arawang kaso ng covid-19 sa bansa sa pagtatapos ng 2021.
Ito’y ayon kay OCTA Fellow Professor Guido David kung magpapatuloy ang kasalukuyang trend ng mga kaso ng Covid-19.
Inaasahan rin ng grupo na bababa pa sa 1,000 ang bilang ng mga kaso ng virus sa unang Linggo ng Disyembre.
Sinabi pa ni David na hindi pa dapat ikabahala ang naitalang mahigit 2,000 kaso ng Covid-19 na naitala kahapon.
Posible kasi aniyang nagkaroon ng backlog at naidagdag ang mga lumang kaso sa database.
Gayunman, sinabi ni David na posible pa ring tumaas ang mga kaso ng Covid-19.
Kaugnay nito, muling hinikayat ni David ang publiko na magpabakuna na kontra Covid-19 at patuloy na sundin ang minimum health standards. —sa panulat ni Hya Ludivico