Posibleng pumalo sa 4,114 ang maitatalang arawang kaso ng COVID-19 sa bansa pagsapit ng Enero 15.
Ito ang sinabi ng Department of Health (DOH) kasabay ng sinabi nito na inaasahang tataas ang mobility ng tao ngayong Holiday season.
Pagbibigay-diin ng DOH, nag-plateau na ang COVID-19 cases sa 973 na average na bilang mula Disyembre 16 hanggang 22, limang porsyentong mababa kumpara sa nakalipas na linggo.
Samantala, inaasahan din ng DOH na ang malubha at kritikal na admission ay inaasahang aabot sa 2,252 sa kalagitnaan ng Enero.