Posibleng umabot sa 43,000 ang mga arawang bagong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila sa katapusan ng Setyembre.
Ito ay ayon sa Department of Health (DOH) kung saan ibinase nila ang kanilang detalye sa mobility, public health at health care capacities at ang pagsunod ng publiko sa minimum health standards.
Paliwanag pa ng kagawaran na ang mga datos na ito ay para maihanda ang pamahalaan para sa COVID-19 response.
Pero, ang kanilang projection ay hindi pa naitataga sa bato at maaari pang mabago lalo na at may mga LGU na nagsasagawa ng granular lockdown, pagpapalakas ng active case finding at vaccination.
Sa huli, muling nagpaalala ang health department sa publiko na suotin ng tama ang facemask , patuloy na ipatupad ang social o physical distancing at magpabakuna kontra COVID-19.