Nadagdagan ng 2,087 ang daily COVID-19 cases sa bansa, kahapon.
Sa datos ng Department of Health, umabot sa 3,510 ang mga bagong gumaling kaya’t sumirit sa 2,728,696 ang total recoveries.
Nakapagtala rin ng 91 na pumanaw dahilan upang umakyat na sa 44,521 ang death toll.
Lumobo naman sa 2,805,294 total COVID-19 cases habang bumaba sa 32,077 ang aktibong kaso.
Samantala, walong laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 document repository system.—mula sa panulat ni Drew Nacino