Inaasahang mas mababa sa 100 ang maitatalang COVID-19 seven-day average cases ngayong buwan sa NCR, ayon sa OCTA research group.
Sinabi ni OCTA fellow Dr. Guido David na nasa 7,000 hanggang 8,000 na lang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Sa ngayon, nasa 105 na lamang ang average cases ng COVID-19 sa NCR.
Ayon pa kay David, kumpiyansa siyang magtutuloy-tuloy ang pagbaba ng mga kaso.
Kung wala aniya ang banta ng Omicron variant ay maaring nasa alert level 1 na ang bansa.—mula sa panulat ni Joana Luna