Inihayag ng Department of Health (DOH) na mas mababa sa 400 ang naitatalang arawang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa DOH, nasa 389 na average ang naitala sa naturang sakit sa nakalipas lamang na isang linggo mula noong Marso 21 hanggang 27 kung saan, nakapagtala ng kabuuang 2,726 na bagong kaso ng COVID-19.
Sinabi ng DOH na mas mababa ng 24% ang naturang average kada araw kumpara sa mga naitalang kaso noong Marso 14 hanggang Marso 20.
Umabot naman sa 752 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa virus noong nakaraang linggo habang wala namang naitalang malubha at kritikal ang karamdaman sa mga naitalang bagong kaso ng COVID-19.
Sa ngayon mayroon pang 758 na mga pasyente ang malubha at kritikal na nananatili sa mga pagamutan base narin sa COVID-19 case bulletin ng DOH. —sa panulat ni Angelica Doctolero