Pinangangambang sumirit pa sa 43K ang arawang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila hanggang sa katapusan ng buwang ito.
Ito ayon kay health undersecretary Maria Rosario Vergeire ay base na rin sa mobility, public health system at pagsunod sa minimum health standards.
Gayunman, sinabi ni Vergeire na maaaring bumaba ang arawang kaso ng COVID-19 sa NCR sakaling maging epektibo ang ipinatutupad na GCQ with alert level 4.