Hindi na aabot sa 1000 ang bilang ng arawang kaso ng COVID-19 sa bansa pagsapit ng February.
Batay sa pagtaya ng Department of Health (DOH), sinabi ni Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire na posible na lamang umabot sa 730 ang kaso ng COVID-19 sa February 15.
Sa datos ng ahensya, patuloy ang pag-plateau at pagbaba ng mga kaso ng naturang sakit sa bansa, matapos ang bahagyang pagtaas nito noong nakaraang buwan.
Nabatid na ang magandang estado ng bansa ang dahilan ni Pangulong Ferdinand Marcos jr. Kung bakit nag-aalinlangan itong palawigin ang state of calamity sa bansa.
Pero, iginiit ni Vergeire na bagaman susundin nila ang magiging desisyon ng pangulo, nananatili pa rin aniyang mahalaga ang pagpapalawig ng naturang state of calamity sa Pilipinas.