Posibleng bumaba sa 600 ang maitatalang arawang kaso ng COVID-19 sa bansa, sa pagtatapos ng Setyembre.
Taliwas ito sa sinabi ng Department of Health (DOH) na papalo sa 9K ang daily new cases sa Pilipinas mula Setyembre hanggang Oktubre.
Ayon kay OCTA research fellow Dr. Guido David, lalo pang bumaba ang reproduction number sa Metro Manila noong August 23 na nasa 0.99 na lang, mula sa 1.02 noong August 16.
Bumaba rin sa 35% ang healthcare utilization at 27% ICU occupancy, mula sa 37% at 31% noong August 20.