Bahagyang tumaas ang bilang ng nahawa sa Covid-19 sa Pilipinas kahapon.
Batay sa datos ng Department of Health (DOH), sumampa sa 399 ang naitalang daily new cases, mataas kumpara sa 225 nitong Sabado.
Dahil dito, pumalo na sa 4,071,963 ang total nationwide caseload kung saan 10,587 ang aktibo.
Ang National Capital Region pa rin ang nanguna sa may pinakamaraming kaso sa loob ng dalawang linggo na may 1,297, sinundan ng CALABARZON, 628 at Central Luzon na may 301.
Pumalo naman sa 3,995,682 ang gumaling sa Covid-19 sa bansa matapos madagdagan ng 377, habang 65,694 ang kabuuang nasawi.
Ang bed occupancy na sa Pilipinas dahil sa Covid-19 ay nasa 18.8% na may 5,000 na okupado at halos 22,000 na bakante.