Dumami na naman ang mga natatanggap na tawag ng COVID-19 referral hotline na One Hospital Command Center.
Ayon kay Health Undersecretary Leopoldo Vega, umaabot na sa mahigit 1,120 kada araw ang natatanggap na tawag sa hotline kada araw ngayong buwan.
Kumpara anya ito sa 800 tawag kada araw noong Setyembre.
Karaniwan sa mga tumatawag ay nagtatanong hinggil sa isolation facilities, home isolation habang nabawasan ang referrals para sa mga ospital at intensive care unit services.
Ang mga natanggap naman na tawag noong Setyembre ay may kaugnayan sa ICU referrals at problema sa distribusyon ng oxygen supply.