Kinontra ni Senador Panfilo Lacson ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang magagawa ang International Pressure o opinion sa China para sundin ang arbitral ruling pabor sa Pilipinas.
Kaugnay ito sa territorial dispute sa pagitan ng China at ng mga bansang may claim sa mga isla at bahurang sakop ng South China at West Philippine Sea.
Giit ni Lacson, may mga pag-aaral na nagpapakita na bagama’t karaniwang umaalma o kaya’y hindi pinansin ng natatalong claimant ang ruling ng international tribunal, bumibigay at sinusunod din naman iyon sa dakong huli.
Hindi dapat pakawalan ng pamahalaan ang pagkakataon sa isinasagawang ASEAN Summit sa bansa para maisulong ang nakuhang paborableng desisyon sa arbitral tribunal.
By: Jaymark Dagala / Cely Bueno