Nakapagtalang muli ang Pilipinas ng panibagong kasaysayan makaraang katigan ng Permanent Court of Arbitration sa The Hague, Netherlands.
Kaugnay ito sa reklamong inihain ng Pilipinas laban sa China hinggil sa pag-aangkin ng teritoryo sa West Philippine Sea.
Batay sa 500 pahinang desisyon ng Arbitral Court, sinasabing walang basehan ang historical rights ng China hinggil sa pag-aangkin nito ng teritoryo sa naturang karagatan.
Nilabag din ng China ang sovereign rights ng Pilipinas alinsunod sa itinatakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS kung saan nakapaloob ang exclusive economic zone o EEZ.
DFA
Ikinatuwa ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang inilabas na desisyon ng Permanent Court of Arbitration sa The Hague, Netherlands.
Kaugnay pa rin ito sa reklamong inihain ng Pilipinas laban sa China sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay, umaasa siyang igagalang din ng China ang inilabas na desisyon ng Arbitral Tribunal.
Bahagi ng pahayag ni DFA Secretary Perfecto Yasay
By Jaymark Dagala | Allan Francisco (Patrol 25)