Pinaboran ni Lingayen Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz ang pagtaas ng approval rating ni Pangulong Rodrigo Duterte sa loob ng isang taon nitong panunungkulan sa bansa.
Sinabi ni Cruz na kung siya ang tatanungin, bibigyan pa niya ng 80% na rating ang Pangulo dahil sa mga maganda nitong nagawa sa loob ng isang taon sa Malakanyang.
Pinuri din ni Cruz ang malinis na record ng Pangulo na hindi pa nasasangkot sa isyu ng korapsyon.
Sa kabila naman ng papuri, sinabi ni Cruz na kailangan pang pag-ibayuhin ng Pangulo ang socio-economic development ng bansa upang mas umangat ang kabuhayan ng mga Pilipino.
Batay sa pinakahuling survey ng SWS o Social Weather Stations, nakapagtala ng 78% na satisfaction rating ang Presidente.
- Meann Tanbio