Nagpahayag na ng hinaing si Archbishop Emeritus Oscar Cruz kay House Speaker Pantaleon Alvarez kaugnay sa pagpapatalsik nito sa committee chairmanship ng mga mambabatas na hindi papanig sa death penalty bill.
Sa panayam ng Church-run Radyo Veritas, sinabi ni Cruz na pinaglalaruan ni Alvarez ang Diyos at para umanong ang House Speaker na rin ang magtatakda kung sino ang papatayin at hindi.
Pinuna rin ni Cruz ang pagtanggal umano ng plunder sa listahan ng mga kasong paparusahan ng kamatayan.
Aniya, ito ay isang akto ng pagkakaroon ng political motives na ibig sabihin ay kung ano ang sinabi ng namumuno ay siya ring gagawin ng pinamumunuan.
Giit ni Cruz, ito ay isang nakakahiyang akto at nakakasama rin umano ng loob.
Matatandaang isa sa mga nakatanggap ng babala mula kay Alvarez ay si Deputy Speaker Gloria Arroyo na Dating Pangulo at ngayo’y Representative ng Pampanga’s 2nd District, na nanindigang hindi papanig sa death penalty bill.
By Race Perez