Opisyal nang uupo sa susunod na buwan si outgoing Capiz Archbishop Jose Cardinal Advincula bilang 33rd Archbishop of Manila.
Ito ang kinumpirma ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo matapos itong italaga ni Pope Francis noong Marso.
Papalitan ni Advincula si Luis Antonio Cardinal Tagle na itinalaga naman bilang Prefect of the Congregation for the Evangelization of People sa Vatican.
Pangungunahan naman ni Papal Nuncio to the Philippines, Archbishop Charles Brown ang misa para sa pagkakaluklok kay Advincula sa Manila Cathedral sa Hunyo 24.