Hinimok ni Emeritus Archbishop Oscar Cruz ang mga Pilipino na huwag mawalan ng pag-asa sa darating na Bagong Taon.
Sinabi ni Cruz na bagamat maraming nangyayaring masama sa ating paligid, maari pa rin itong mabago sa tulong ng panalangin.
Binigyang diin din ni Cruz bukod sa pagdarasal, kailangan din kumilos ng publiko sa nangyayaring malawakang pagpatay sa gitna ng pagsugpo sa iligal na droga.
“Sana huwag tayong mawalan ng pag-asa pero syempre tungo tayo sa mas mabuti, patungo tayo sa mas masama, hindi lang ang panalangin kundi ang pagkilos ay malaki ang nagagawa para sa ikabubuti ng masama patungo sa kabutihan. Ang nakaluklok na administrasyon meron siyang mga kabutihang nagagawa hindi naman sikreto yun pero meron ding mga kamaliang nangyayari at yun ang dapat talagang tignang mabuti.”
By Katrina Valle | Ratsada Balita