Nanawagan si Pampanga Archbishop Emeritus Paciano Aniceto sa publiko na huwag maniwala sa mga naglipanang impostor sa social media.
Ito’y makaraang ulanin ng batikos at reklamo ang arsobispo dahil sa umano’y gumagamit ng kaniyang pangalan para humingi ng pera bilang donasyon.
Ayon kay Archbishop Aniceto, wala siyang anumang Facebook account at hindi siya marungong gumamit ng laptop o anumang gadget para gumawa ng social media accounts.
Kasalukuyan nasa Amerika ang dating arsobispo ng Archdiocese of San Fernando para sa isang opisyal na misyon.
—-