Pormal nang hinirang bilang bagong Kardinal ng simbahang Katolika si Capiz Archbishop Jose Advincula.
Kasabay ni Advincula ang 12 pang mga Arzobispo mula sa iba’t-ibang panig ng mundo na itinalaga ni Pope Francis sa ipinatawag nitong consistory sa St. Peter’s Basilica sa Roma.
Ngunit dahil sa banta ng COVID-19 pandemic, dumalo na lamang sa consistory ang bagong Kardinal virtually.
Sa kasalukuyan, mayroon nang 229 na mga Kardinal sa iba’t-ibang bansa sa mundo.
Sila ang bumubuo sa tinatawag na College of Cardinals na binibigyang kapangyarihan ng simbahan na maghalal at maghirang ng bagong Santo Papa.