Nanawagan si Cagayan De Oro Archbishop Jose Cabantan sa publiko na makinig sa mga eksperto para sa impormasyon sa COVID-19 at magpabakuna na laban dito.
Ayon sa post sa website ng Catholics Bishop Conference of the Philippines (CBCP), nananalangin si Cabantan na sa pamamagitan ng bakuna maaring magsimula ang pagbaba epekto ng pandemya.
Ayon pa kay Cabantan, na ang pinaninindigan ng kanyang nasasakupan at pinaninindigan din ng simbahang katolika na sinabi pa ng Santo Papa.
Ipinunto pa ni Cabantan na ang Vatican Congregation of the Doctrine of the Faith Declaration nitong Disyembre 2020 ay tinatanggap ang bakuna bilang panlaban sa COVID-19 pati na rin ang lahat ng bakuna na ligtas at epektibo. —sa panulat ni Rex Espiritu