Nirerespeto ng archdiocese of Davao ang mga pahayag ni incoming president at outgoing Davao city mayor Rodrigo Duterte laban sa simbahang katolika.
Ito, ayon kay Monsignor Paul Cuison, spokesman ng archdiocese, ay sa kabila ng mga maanghang na banat ni Duterte laban sa ilang obispo.
Mayroon anyang mabuting relasyon ang kanilang archdiocese sa susunod na pangulo ng bansa kahit noon pang campaign period at nananatiling bukas ang kanilang pinto para kay Mayor Digong.
Bagaman pawang negatibo ang pahayag ni Duterte sa simbahan, inihayag ni Cuison na kinikilala pa rin nila ang mga magandang nagawa ng alkalde para sa mga mamamayan at pag-aalaga nito sa lungsod.
By: Drew Nacino