Nanindigan ang Archdiocese of Manila na hindi nila sinuway ang utos ng pandemic response task forces sa paglabas ng pastoral instruction kaugnay sa holy week activities.
Una ng ipinagbawal ng pamahalaan ang religious gatherings sa mga lugar ng NCR plus bubble na tatagal hanggang a kwatro ng Abril o linggo ng pagkabuhay.
Iginiit lamang ni Bishop Broderick Pabillo, Apostolic Administrator ng Archdiocese of Manila, ang “right to worship” ng mga mananampalataya sa kanyang pastoral instruction.
Dagdag ni Bishop Pabillo, nagkaroon ng pagpupulong kaugnay sa pastoral instruction kung saan napagkasunduan na maglalabas ng clarificatory note.
Samantala, pinaalalahanan ni Pabillo na may “principle of subsidiarity” na sinusunod kaya depende sa mga lokal na simbahan kung paano ipapatupad ang ibibigay nilang instruction.— sa panulat ni Rashid Locsin