Nagsagawa na ng balasahan sa kanilang hanay ang Archdiocese of Manila.
Pinanatili ni manila Archbishop Cardinal Jose Advincula si Monsignor Jose Clemente Ignacio bilang Vicar-General ng archdiocese habang itinalaga naman si Msgr. Rolando Dela Cruz bilang bagong Rector ng Manila Cathedral.
Nasa 200 pari naman ang nabigyan ng panibagong parish assignment.
Saklaw ng malawakang balasahan ang mga parokya sa Maynila, Pasay, Makati, Mandaluyong at San Juan. - sa panulat ni Hannah Oledan