Patay ang isang arkitekto matapos barilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa Brgy. Malabag, Silang, Cavite.
Ayon kay Silang Police chief P/Lt. Col. Romulo dela Rea, nakitang wala nang buhay at may tama ng bala sa ulo ang biktima na hindi pa binanggit ang pagkakakilanlan.
Sa paunang imbestigasyon, may kakausapin umanong kliyente ang arkitekto at bago nakarating sa lugar ay tinambangan ito.
Hindi pa tukoy ang motibo at mga salarin sa pamamaril.