Ipinagmalaki ni Arci Munoz ang kanyang naging karanasan sa ika – 92 Academy Awards o kilala rin bilang Oscars.
Makikita sa instagram ni Arci ang kanyang pagiging fanmode kasama ang mga bida at direktor ng Oscar best film na Parasite.
Masaya si Arci dahil nagamit niya ang kaunting kaalaman sa Korean language nang makaharap si Korean director na si Bong Joon – Ho at actor na si Song Kang – Ho.
Bukod sa mga Asian superstars, nakasama rin ni Arci si Michelle Rodriguez ng pelikulang Fast and Furious.