Binasag na ng Kapamilya actress na si Arci Muñoz ang kanyang katahimikan matapos na mag-trending ang mga bagong larawan nito sa social media.
Kaugnay ito sa umano’y pagpa-plastic surgery ng aktres.
Sa panayam ng ABS-CBN kay Arci, sinabi nito na wala siyang dapat i-deny dahil wala naman aniya siyang ginagawang masama o anumang krimen.
Deny? No, never, what’s wrong with that? As if naman I committed a crime.
Natatawang sinabi na lamang ng aktres na nakaka-amazed ang mga taong nagkakaroon ng maraming oras para mang-bash.
Sa huli, sinabi ni Arci na hindi umano siya na-aapektuhan ng mga naturang pangba-bash.
Dagdag pa niya, buhay niya naman ito at may sarili siyang rules dito.
It’s my life, my rules.