Kulong ang dalawang lalaki, kabilang ang isang driver, matapos mahulihan ng umano’y shabu sa Bagong Buhay, Brgy. San Miguel, Taguig City.
Ang mga suspek na sina Dalisay Mastrili at Francisco Salon ay nadakip sa isinagawang Oplan Galugad ng mga pulis.
Nasabat mula sa dalawa ang halos dalawang gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng halos P11K.
Mahaharap ang mga suspek sa reklamong paglabag sa comprehensive dangerous drugs act.