Laglag na sa unang round pa lamang ng Davis Cup ang defending champion na Argentina.
Ito ay makaraang talunin ng Italy ang Argentina sa pamamagitan ni Fabio Fognini.
Pinayuko ni Fognini ang pambato ng argentina na si Guido Pella sa men’s singles sa iskor na 2-6, 4-6, 6-3, 6-4 at 6-2.
Dahil dito, susunod na makakaharap ng Italy sa quarterfinals ang koponan ng Belgium na idaraos naman sa buwan ng Abril.
By Ralph Obina