Bawal na sa mga opisyal ng Argentine government ang pagkuha ng kaanak o kapamilya para sa anumang posisyon sa gobyerno.
Binigyang-diin ito ni Argentine President Mauricio Macri bilang bahagi ng pagpapatupad ng job cuts sa gobyerno kung saan matitipid ng 77 milyong dolyar kada taon.
Sinabi ni Macri na layon ng job cuts na mabawasan ang kakulangan sa budget ng kanilang pamahalaan sa loob ng ilang dekada.
Dahil sa nasabing hakbang, walang pagtaas sa sahod ngayon taon ang mga dati nang government employee.