Umaasa pa rin ang Argentinian Welterweight Champion na si Lucas Matthysse na kanyang makakasagupa si dating 8 division World Champion at Senador Manny Pacquiao.
Ito’y kahit pa inihayag ni Top Rank CEO at promoter Bob Arum na malabong magkaroon ng bakbakan sa pagitan ng dalawang boksingero.
Una nang ipinahiwatig ni Pacman na nais niyang makalaban sa Abril ang tinaguriang “La Maquina” ng Argentina dahil sa hawak nitong WBA Welterweight belt pero mas pinili ni Arum si Mike Alvarado.
Kasalukuyang hawak ng Golden Boy promotions ni Oscar Dela Hoya na karibal ng Top Rank ang promotional rights ni Matthysse.