Kinontra ng Malacañang ang pahayag ni Albay Representative Edcel Lagman na wala nang nagaganap na rebelyon sa Mindanao kaya hindi na kailangan ang pinalawig na martial law.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, maituturing na depektibo at “intellectually challenged” ang ginamit na argumento ni Lagman sa paghahain ng petisyon sa Korte Suprema kontra sa martial law extension.
Aniya, halos magkatulad lamang ang ginamit na argumento ng oposisyon sa pagtutol sa martial law extension ngayon at noong ikalawang beses itong pinalawig.
Kaugnay nito, tiwala si Panelo na kakatigan at pagtitibayin ng Korte Suprema ang muling pagpapalawig ng martial law sa Mindanao lalo’t nagpapatuloy pa rin aniya ang rebelyon sa Mindanao gayundin para sa seguridad ng publiko.
—-