Diringgin na ng international arbitral tribunal sa darating na Martes ang petisyon ng Pilipinas para resolbahin ang agawan sa teritoryo sa West Philippine Sea sa The Hague, Netherlands.
Ilalahad ni Solicitor General Florin Hilbay, katuwang ang mga abogado mula sa Foley Hoag isang law firm na nakabase sa Washington DC ang mga argumento ng Pilipinas.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr., kumpiyansa silang mailulusot ng Pilipinas ang kanilang agrumento nasa katuwiran ang posisyon ng bansa sa pinag-aagawang teritoryo.
Kabilang sa delegasyon ng Pilipinas sa gagawing pagdinig sa Hulyo 7 hanggang 13 sina Executive Secretary Pacquito Jojo Ochoa, Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario, Defense Secretary Voltaire Gazmin, Deputy Presidential Spokesperson Abegail Valte at Undersecretary for Security Cluster Emmanuel Bautista.
By Jaymark Dagala