Ipinag-utos ng Sandiganbayan ang pagbawi sa mga ari-arian ni dating Armed Forces of the Philippines (AFP) comptroller Lt. Gen. Jacinto Ligot at ng kanyang pamilya.
Batay sa desisyon ng Fourth Division ng anti-graft court, idineklara nitong ‘unlawfully acquired’ o nakaw ang mga properties ng Pamilya Ligot na nagkakahalaga ng P102 milyon.
Ito’y kinabibilangan ng isang maisan sa Manolo Fortich, Bukidnon; lote sa Tanay, Rizal; condominium units sa Essensa East Forbes sa Taguig at Makati; at mga bahay sa Buena Park at Anaheim sa Amerika.
Matatandaang nasilip ang mga tagong yaman ni Ligot matapos magkasa ng lifestyle investigation ang Office of the Ombudsman kung saan nadiskubre na ang mga properties at assets ng heneral ay hindi tumugma sa kinita niya sa pagtatrabaho sa gobyerno.