Pinakamabilis lumago ang ari-arian ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa nakalipas na 19 na taon kumpara sa mga katunggali niya sa pampanguluhang halalan.
Batay sa datos ng PCIJ o Philippine Center for Investigative Journalism, maliit na maituturing ang 23.5 million net worth ni Duterte sa kanyang 2015 SAL-N o Statement of Assets Liabilities and Networth kumpara sa ibang kandidato sa pagkapangulo.
Gayunman, maituturing na phenomenal ang pag-akyat ng halaga ng ari-arian ni Duterte mula 1997 hanggang 2015.
Batay sa kopya ng PCIJ sa 1997 SAL-N ni Duterte, halos 900,000 lamang ang networth nito o mahigit sa 2,500 porsyentong mababa kumpara sa kanyang networth nitong 2015.
Kung susumain sa kada taon, tinatayang 132.6 percent ang nadadagdag sa networth ni Duterte kada taon sa nakalipas na 19 na taon.
By Len Aguirre