Nakatakdang gawaran ng kauna-unahang honorary citizenship of Manchester ang American singer na si Ariana Grande.
Ito ay matapos na i-organisa ni Ariana ang One Love Manchester concert para sa mga naging biktima ng bomb attack sa kanyang konsyerto sa nasabi ring siyudad.
Ayon kay Manchester City Council Leader Sir Richard Leese, ang nasabing honorary citizenship ay kanilang paraan ng pagkilala sa pagpapakita ng pagmamahal at tapang ni Ariana sa kabila ng nangyari terror attack.
Matatandaang isinagawa ang One Love Manchester concert noong June 4 na dinaluhan ng ilang kilalang international singers sa pangunguna ni Ariana.
At nakalikom ng halos 3 million pounds para sa biktima ng pag-atake sa lungsod.
By Krista de Dios
Ariana Grande bibigyan ng honorary citizenship of Manchester was last modified: June 14th, 2017 by DWIZ 882