Darating mamayang alas-7:30 ng gabi ang pop star singer na si Ariana Grande sa Pilipinas.
Ayon sa report ng DWIZ patrol, na-reschedule ang dating ni Ariana sa bansa na dapat sana’y ngayong Lunes ng umaga lulan ng isang Gulfstream private plane na magmumula sa Bangkok, Thailand.
Nakatakdang mag-perform si Ariana para sa kanyang ‘Dangerous Woman’ world tour concert sa Mall of Asia Arena.
Ito na ang ang ikalawang pagkakataong bumisita sa bansa ang singer, ang una ay noong 2015.
Inaasahang mahigpit na seguridad ang ipatutupad sa concert.
Matatandaang nito lamang Mayo ay isang suicide attack ang naganap sa mismong concert venue ni Ariana sa Manchester kung saan mahigit sa 20 ang nasawi.
Nagsagawa rin ng benefit concert si Ariana na tinawag na One Love Manchester para sa mga naging biktima ng nasabing pag-atake.
AR | (Report and Story from Raoul Esperas)