Naungusan na arIana Grande si Selena Gomez bilang most followed woman sa social media site na Instagram.
Umabot sa 146, 286, 173 ang followers ni Ariana matapos nitong mapantayan ang record ng Beatles na sabay na nakuha ang number 1, 2 at 3 spot sa Billboard Hot 100 Chart.
Hindi naman ito kalayuan sa dami ng followers ni Selena na umabot naman sa 146, 267, 173.
Kasabay naman ng paglamang ni Ariana sa Instagram ay bumalik na si Selena sa pagre-record ng kanta.
Posible anilang namiss lang ng mga followers ang singer na halos tatlong taon na simula nuong huling naglabas ng solo album.