Nagsagawa ng naval aircraft training ang bansang China sa West Philippine Sea bilang pagpapakita ng lakas sa mga pinag-aagawang teritoryo.
Batay sa inilabas na mga larawan ng China, makikita na sa ginawang air strip sa isa sa mga artipisyal na isla nag-take off ang mga armed jet nito.
Sa panayam naman ng South China Morning Post, inihayag ni retired Gen. Xu Gyangyu, malinaw ang mensahe ng China na kanilang ipagtatanggol ang karagatang sakop nila at hindi ito mangingiming durugin ang sinumang magtatangkang alisin ito sa kanila.
Magugunitang inilunsad ng Estados Unidos ang pagpapatrolya ng kanilang mga warship destroyers sa pinagtatalunang teritoryo at nangakong uulitin pa ito.
By Jaymark Dagala