Napatay ng pulisya ang isang lalaking nagtangkang pumasok sa Archbishop’s Palace sa Cebu City.
Ayon sa isang security guard, tumatakbo papasok ng gate ng Archbishop’s Palace ang nasabing lalaki at pumalag nang kanilang pigilan.
Mukha aniyang kahina-hinala ang kilos ng ng lalaki hinahanap umano si Cebu Archbishop Jose Palma.
Dahil dito, tumawag na sa pulisya ang mga security personnel ng Archbishop’s Palace.
Pagdating naman ng pulisya, kanilang inatasan ito na itaas ang mga kamay na hindi naman sinunod ng lalaki at sa halip ay nagpaputok pa ng baril.
Gumanti naman ng putok ang mga pulis na naging dahilan ng pagkasawi nito.
Samantala, natukoy na ng pulisya ang pagkakakilanlan ng nasabing lalaki.
Armadong lalaki na napatay, may problema sa pag-iisiip
Napag-alaman ngayon ng Philippine National Police na dumaranas ng depresyon ang armadong lalaki na nagtangkang pumasok at namaril sa Archbishop Palace Compound sa Cebu City.
Kinilala ang gunman na si Jeffrey Mendoza Cañedo, 41 anyos at residente ng Barangay Labagon, Cebu City.
Ayon sa mga pulis, batay sa kwento ng pamilya ni Cañedo, nagsimulang mag – iba ang takbo ng pag- iisip ng kanilang kaanak simula nang bumalik ito sa Pilipinas mula sa pagiging OFW sa Qatar.
Napag- alaman aniya ni Jeffrey na may iba nang kinakasama ang kanyang asawa.
Sinabi ni Police Regional Office 7 Spokesman Police Superintendent Reyman Tolentin, nais umano sana makalapit ng suspek kay Archbishop Palma para mangumpisal.
Pero bigla aniyang nagduda ang mga kawani ng palasyo sa kilos ni Cañedo kaya tumawag sila ng mga pulis para ireport ang pangyayari.
Nang makita ng suspek ang mga pulis, ay agad itong bumunot ng baril at agad pinaputukan ang mga pulis
Gumanti naman ng putok ang mga pulis na siyang dahilan ng pagkasawi ni Cañedo.
Nananawagan si Cebu Archbishop Jose Palma sa publiko na manatiling kalmado kaugnay sa nangyaring pamamaril kahapon sa Archbishop Palace Compound sa nasabing lungsod.
(Arianne Palma)