Nagdeklara ng batas militar ang Armenia kasunod ng bakbakan na naganap sa pagitan ng puwersa nito at tropa ng Azerbaijan sa pinag-aagawang Nagorno-Karabakh region.
Ayon sa defense ministry ng Armenia, sinalakay ng Azerbaijan ang ilang civilian settlements sa rehiyon kaya’t napilitan silang gumanti sa mga ito.
Sa pagresbak ng Armenian troops, dalawang helicopters at tatlong drones ng Azerbaijan ang bumagsak.
Hindi pa tukoy ang bilang ng mga nasawi at sugatan sa bakbakan ng magkabilang panig.