Walang plano si Governor Mujiv Hataman ng ARMM o Autonomous Region in Muslim Mindanao na lumahok sa transition authority na lilikha ng bagong Muslim region kapalit ng ARMM.
Ayon kay Hataman, matagal tagal na rin naman siya sa ARMM government kaya’t panahon na para bumitiw at ipaubaya ang rehiyon sa bagong liderato.
Anumang oras o araw mula ngayon ay lalagdaan na bilang batas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Bangsamoro Organic Law o BOL matapos itong mapagtibay sa dalawang kapulungan ng Kongreso.
Ang Bangsamoro Law ay isa sa mga requirements upang maipatupad ang peace agreement na nilagdaan ng pamahalaan sa MILF o Moro Islamic Liberation Front noong 2014.
Binigyang diin ni Hataman na hindi man perpektong solusyon ang BOL, malaking bagay na rin ito at magandang simula para makamit ang kapayapaan.