Kontra si ARMM Governor Mujiv Hataman na isailalim sa Martial Law ang Sulu at Basilan laban sa Abu Sayyaf.
Ayon kay Hataman, sa halip na magpatupad ng Martial Law ay dapat maglunsad na lamang ng all-out offensive against upang tuluyang matuldukan ang paghahasik ng karahasan ng bandidong grupo.
Maaari anyang maabuso ang pagpapatupad ng batas militar lalo’t matinding trauma ang inabot dito ng mga Moro sa Mindanao.
Ang maayos na koordinasyon, pinaigting na law enforcement operation kabilang ang sunud-sunod na military offensives sa Sulu at Basilan sa mga balwarte ng mga Moro Rebel ang nakikitang solusyon ni Hataman upang mapuksa ang ASG.
By: Drew Nacino